ISIS, ini-release ang pinaka-madugo nilang video. Ito kaya ay senyales ng kanilang kahinaan?

Nag-release ng bagong video ang mga mamamatay-tao na itinawag na ISIS. Ito na ang pinaka-madugo at pinaka-nakakadiring video na nanggaling sa kanila.

Lahat ng mga killers ng ISIS – pwera lang ang nag-iisang nakaitim na siga – ay hindi nakasuot ng mga takip sa mukha.

Ang mga lalaking nakitang pinarada sa kanilang kamatayan ay labing-apat na Syrian na sundalo…mga piloto at army officers diumano.

Kabilang sa mga napatay sa araw na iyon, ay ang dating US soldier turned aid worker at Islam convert na si Peter Kassig, na kilala rin sa kanyang Islamic na pangalang Abdul-Rahman Kassig.

Pero ang parte kung saan ipinakita nila ang kamatayan ni Kassig, ay naiba sa nakasanayan nating ISIS script.

Si Kassig ay hindi gumawa ng statement na gaya ng ibang pinatay na hostages – at ang pagpatay sa kanya ay mukhang minadali, na ngayon ay kinu-kuwestiyon ng mga experrs nab aka kinakabahan ang ISIS na baka makita sila ng coalition aircraft.

Nang nag-pan ang camera sa mga mukha ng mga lalake, karamihan sa kanila ay mukhang takot na takot – na naiintindihan natin. Pero may isang lalake na hindi natin kilala, ang matapang na nakatitig sa camera.

Sa huli, ay natulak sa lupa at napatay ang lahat ng mga lalake. Bumuhos ang dugo habang isinasagawa ang karumal-dumal na akto.

Ito ba ay isang akto ng nananalong organisasyon?

Hindi pa nakukuha ng ISIS ang border town na Kobani…napahinto ang kanilang progress sa Baghdad…at napigilan din sila sa pagtangka nilang masakop ang isang regional airport.

Ang pinakamadugong video ng ISIS ay maaring senyales ng kanilang panghihina.

Kahit na ang yabang nila, ay mukhang ayaw lang nilang malaman ng mundo na hindi nila maaring makuha ang nais nilang makamit.

Comments

Popular posts from this blog

Pinagkaguluhan ang babeng ito dahil sa kanyang "Baby Face" na hindi angkot sa kanyang edad

Jinkee Pacquiao nagsalita na tungkol sa issue na comment nang kanyang asawa na si Manny Pacquiao sa American vlogger’s livestream

Talagang Sobrang Ikli Ng Suot Ni Julia Barreto Dito Kaya Siya Ay Nasilipan, Ngunit Ano itong Ginawa Ni Joshua Na Ikinagulat Ng Lahat!